People over Situation.

01 Dec 2015

Bago ko umpisahan tong isusulat ko ngayon, nais ko munang unahin ang pagpansin ko sa umpisa ng buwan ng Disyembre. Its nice to feel na malapit na magpasko and people are getting busy planning and preparing for thier noche buenas and Christams parties. On the other hand kami dito feels like to have no special occasion due to our vessel’s busy itinerary. But thanks kasi kahit papano may internet naman kami sa port.

Speaking of internet, just a few minutes ago, pinatawag kami ng kapitan namin for an emergency meeting. Well, sa barko basta hindi nakaschedule ang meeting, ibig sabihin nun theres an urgent matter to discuss. Sabihin natin kadalasan problema. Parang sa isang malaking company na pag bumabagsak na ang value ng stocks nila, eh pinapatawag ang mga board, kung sa factory meron ng mass dismissal, pag may namatay magpupuntahan ng biglaan yung mga kaanak nito, kung sa frat may nabugbug na itong myembro. And sa pagtawag ni Captain ng meeting, bumulaga sa amin ang ISSUE sa INTERNET.

May naririnig na daw na reklamo tungkol sa paggamit ng internet. Kung tutuusin, sa normal na tao na nasanay mamuhay sa lupa parang ang babaw ng issue, parang joke. Pero sa tulad kong marino pag sinabing internet, tulad ito ng bagong labas ng kotse na lahat gusto makasakay at magamit. Sabik. Parang malamig na tubig sa disyerto dapat makainom. Uhaw. Yung internet kasi ang nagsisilbi namin panandaliang dungaw sa nilayuan naming mundo, nagsisilbing ticket para makibalita sa mga nangyayari ngayon sa paligid. Pintuan namin para pansamantalang makapasok sa iniwang naming bahay sa lupa. Sa pamilya , kaibigan, syota, sa mga mahal namin sa buhay. Kaya hindi basta internet lang ang ibig sabihin ng internet saming mga seaman. Mabalik tayo sa issue, may isang tao daw nagrereklamo na hindi makapaginternet. Mabagal, pawala wala, basta hindi daw makapag access ng internet. So the problem here is walang internet connection. Next finding the root cause. Sa paghanap nila ng sanhi ng problemang ito, dito ako may konti apila, siguro kasing liit lang ng capesize naming barko (85k Tons) yung naisip nlang sanhi. Rootcause: Tao. Walang disiplinang crew. Hello, lost of internet connection tapos wala ng disiplina ung mga crew? in what way? Hindi ko magets anong punto dun? Meron nga ba? Bat parang ang layo na ng narating ng paghahanap natin ng sanhi sa simpleng aberyang ito.

Nasa anchorage area pa kami. 3miles away from the nearest mainland. Everyone knows na hindi ganun kaganda ang signal na nasasagap ng modem namin. Mahina ang signal, nawawala talaga. Knowing na kakadating lang namin sa parte ng mundo na may signal ulit, syempre lahat praning na. You cant get away the thirst of a person to connect sa internet after 25days na palutang lutang sa kawalan. Ofcourse as much as we can, mag-aaccess talaga kami sa internet. So others find ways to connect sa modem na available. I bilieve na alam naman nila ang capacity ng isang modem at alam din naman ng modem hanggang ilan lang ang kaya nyang supplyan ng data. At dun na pumasok ang mareklamong mapagbilang. Sa totoo lang ang problema dito ay hindi yung taong palipat lipat ng modem connections o meron sobra sa isang gadgets. The problem here is wala talagang signal yung modem natin. For thy sake of people na hindi kinalakihan sa modernisasyon sa lugar nila, kahit tig sasampong gadgets kada isang tao dito ang kumonek sa modem na yan, kahit magdownload sila ng tig iisang milyong gigabytes sabay-sabay, pag walang signal ang modem, hindi ka talaga makakaconnect. Kahit isaksak mo pa tatlong modem sabay-sabay sa laptop mo mag-isa sa tingin mo makakainternet ka kung walang signal?

So kung may problema dito yun yung modem, yung layo natin sa lugar na may signal. Yung sitwasyon hindi yung tao. Its just so frustrating why there are people always blame someones head rather than blaming the situation. Hindi pa pwedeng alamin muna natin lahat ng pwedeng factors bat may umuusbong na problema? Bakit ambilis na lang natin manisi agad ng tao? How i see things here is very simple and yet people complicate things. Mas magiging maayos ang isang bagay kung uunahin muna natin na unawain ang nangyayari ng may tanong nag maguumpisa sa bakit at hindi sa salitang sino. Walang magiging gulo kung titignan natin sitwasyon bago tayo tumingin sa ginawa ng tao.

And its sad how i just think of this thought but unable to stand for it that moment. Ganun naman kasi talaga sa barko. Akala mo malaya ka maghayag ng saloobin mo, pero hindi, gaano ka man katama sa mali, gaano ka man kalinaw sa kalabuan, malinis man ang intensyon mo at mabuti, mapapasama ka pa rin sa tingin ng marami pag nanguna ka na sumaligbat. Ayoko naman sisihin ang sarili ko, tao kasi ako, sisihin ko na lang ang sitwasyon dahil ganito na ang buhay ng mga marino sa barko. Ang makisama na lang para walang kaaway. Manahimik para maging tahimik. Ang maging sunudsunuran para walang gulo.

–end–

Sabado Badtrip.

27 NOV 2015

Hi. Musta? Kakatapos ko lang kasing tapusin yung last blog ko about Marriage. Dami kasing istorbo, trabaho, tao, laro, katamaran, tulog, lamon. Hindi naman pwedeng sisihin na minsan talagang mahirap dugtungan ang mga naiisip mo. Bat kaya ganun, may point talaga habang nag-iisip ka eh kusang hihinto ang utak mo. Yung parang bigla lang nawalan ng kuryente habang ang wiling wili ka sa pinanonood mong teleserye. Diba nakakaasar. Ayon kaya hindi ko natapos agad yung nakaraan kong blog. Pero eto ngayon ready na ako.

Natatawa ako kanina sa taong kinaaasaran ko. Wait pwede ba yun, naasar ka sa tao tapos natatawa ka? Hindi ko din alam, ganun naman siguro kasi ako, hindi ako nagpapaapketo sa tao lalo na pag negative ang impact skin nito, tinatawanan ko lang. Ayokong maging masama pero the more na nag-attempt yung tao nabwisitin ako, the more i find them stupid, kaya ako natatawa. Ang sama ko ba? Hahahahaha! Actually im planning to write about him, how he made me feel uncomfortable sa mga unang araw ko til i get over. How i cried and laugh at the same time because of his obtuse pride. How i find him look witless and abnormal. How i got annoyed when he started talking stupid. Sa trabaho, he’s okay, pero he acted so high that makes him personality down. Wala sya nun, as much as he tries to act prudently, hey men mas ok na lang maging joker ka kasi katawa tawa ka.Sorry kung bitter ako ha, this day ramdam ko lang manlait or shall we say maging prangka. Hahaha.

Im trying to be nice everytime here. Labas lagi ang ngipin, tonong maihanahon, pagpasensya kahit bwisit ka na, makisama kahit minsan plastikan na. Ang liit lang ng ginagalawan naming mundo dito sa barko, i want peace to live with me here. Ayoko ng statements, arguements coming from people i dont know that much, im not comfortable with. But im trying my very best to fit in sa mundong wala kang choice kundi sundin ang kalakaran ng tamang pakikisama. But there are these times na sa sobrang liit ng mundo nyo, wala na silang magawa kundi pakielaman ka, panggawi mo, nakasanayan mo, pagkatao. As much as possible i dont want words from them for me. Yes pwede kang magsalita pag sa trabaho, pag sa ibang bagay, but when it comes sa personal mo, hell F, i dont need it. I know myself better than anyone else.

Nakakaasar lang kanina how i was being directly asked the preference i am in. Wow ha, kahit pabiro its kinda personal. The thing is at first i find it just like, hey trip mo na naman bang mang-asar, and eto naman ako ready for another kaplastikan, but the way he insisted his questions, the way he refused to take my feedback, i cant help it but breath the F word. So i got serious seconds later. But nothing changed. He kept that stupid face of him together with the laugh of a psychotic bear that trigers the fire in me. Thank God i still managed to calm dowm. i just laughed bitterly, explain the answer i ought was enough to satisfy himself for that moment until he stopped firing his senselessness.

You know what after that, i cant believe myself too how i became stupid for that moment. Sa totoo lang parang mas higit na naging stupid ako kanina over him. Parang ako yong naging senseless. Bakit? kasi bat ko pinatulan yung taong alam kong mas malala pa yung tama sa mga nakarehab. Hindi ako totally naasar ngayon sa ginawa nya kundi sa ginawa ko sa ginawa nya. The way i reacted over his foolishness made me also a fool for a moment and it sucked. I feel sucked.

Well life is still life. It may not be a good start of the weekend but thanks coz there still a sleep to catch this time. I feel better somehow writing this. I hope pagkagising ko gumising rin ang goodvibes sa dugo ko.

Goodight. I hate you rockyroad.

–END–

Settle Down.

25 Nov 2015

ball-and-chain

Oi. Hi. Hello. Good day. Hindi ako nakapagsulat kahapon kasi nayaya ako sa dotahan. At yun na ang kinakatakot kong karibal ng pagsusulat ko, DOTA. Well, sa tingin ko iba pa rin ang dalang anti-stress nitong pagsusulat ko over sa pampalipas oras kong DOTA. So, bawi muna ako ngayon.

Today gusto kong hugutan yung last topic natin about “Wrong Concept of Having a Family”. But this time hindi in a masungit/supladong way. Lets be open to the world and welcome the ways of life. May kanya kanya nga naman tayong paniniwala at choice sa buhay. And since kanya kanya na ang usapan, i want to share here what are my pointers kung kelan ba ang tamang panahon para magkapamilya. When to settle down.

Yesterday, i was asked by my cadet ” Sir kelan ka magpapakasal?”. Sa totoo lang lagi naman akong nakakanchawan ng mga seniors ko about kasalan, but the direct question of this young boy really had myself stunned for a while. In this modern at very practical time, i dont expect questions like that from a boy whos younger than i am and just started his career onboard. Siguro nasanay lang ako makarinig ng usapan about marraige sa mga nakakatanda sa akin. At siguro nung nasa edad pa nya ako hindi ko pa nakakapag-isip ng ganun.

I am turning 25 in 4months time. Considering it adult but to tell you i am not ready enough to see myself having a family. For me kasi it takes a lot of things para masabi mong handa ka na sa buhay may pamilya. And for me here are some:

1. Maturity. My 1st on the list. Having a family sa tingin ko is never naging isang madaling choice. Hindi to desisyon na parang isang laruan na pagkatapos mon ibigay eh pwede mo pang bawiin. Hindi to isang carousel na pagnahilo ka na sa kakaikot eh baba ka na sa kabayong sinasakyan mo. Ang pag-aasawa ay isang seryosong bagay na dapat iconsider ng dalawang nag-iibigan. Sa tingin ko pag sinabing matured ka, you have the ability to anticipate whats coming and you are equipped with courage to face it. Less fantasy and more reality. Handa ka sa mga unexpected events or shall we say worst scenarios na pwedeng mangyari pero hindi ka nababahala dito. You are firm to stand on whatever decisions you make and whatever the outcome, firm ka pa rin to stand and its consequences.

2. Financial Aspect. Lets not be hypocrite here, Kelan man hindi naging sagot ang pag-ibig sa kagutuman. Napakapraktical na ng mundo ngayon, hindi lang puso ang dapat pairalin ng mga tao, kundi bulsa. Haha. Pera, tama pera. I regard financial as one of the things that couples should try to consider. Yung mga bagay na ito ay dapat pinagpaplanuhan. What are tthings you’ll gonna need, what are those that are still lacking. How could you be able to enjoy life together kung marami kayong hindi pa napaghandaan when it comes to necessities of life. Sa tingin ko financial is playing a great role to marriage life. Dont get me wrong but im not speaking about luxuries, just the basic needs of what family should ever have.

3. Taking Responsibility. For me the word “RESPONSIBILITY” is really a huge word. Pag sinabi kasing responsibilidad parang ambigat agad ng dating. You will become accountable of something to always work out. Ikaw magdedisyon ng lahat. Ok sana if you are always making it right pero pag mali na, pag hindi na maganda ang nagiging resulta ng isang bagay na ikaw ang incharge, walang ibang masisi kung ikaw. Somehow para relevant sya sa maturity but pag sinabi kasing responsibility, it comes with actions. Hindi pwedeng puros salita lang, dapat ikaw mismo gagalaw, dapat kang may gawin. When we speak here about settling down and having a family, hindi na ikaw ang involve. Aside sa magiging asawa at anak mo, hindi mo naman pwedeng pabayaan ang family side mo, at hindi rin pepwedeng dedmahin mo na lang ang pamilya ng mapapangasawa mo. And i guess thats the hardest part of it, kasi kung ikaw nga hirap sa sarili mong tugunan ang needs and wants how much more if there are too many to take care about and that requires a lot to do.

4. Emotionally Prepared. Its always been a major factor for me to consider my feelings or emotions about deciding on one thing. Mahirap gawin ang isang bagay pag napipilitan ka lang at lalo na pag ginagawa mo to ng labag sa loob mo. I feel pressure on that. It is always a worth decision pag nasisiyahan ka na gawin ang mga bagay. Marriage as what i have believe is rooted by love. And love should always be happy and never the cause for you para maging isang malaking pagkakamali. Just ask yourself first, Gusto mo ba talaga? Hindi ka ba napipilitan? Gagawin mo ba to kasi magiging masaya ka? If you answer that with 3 yeses, then you’re good to go.

5. Time for Change. If you think na pasado ka na sa apat na items sa taas, well this would be your last yet the biggest challenge before having your marriage be finally decided, CHANGE. I find it very challenging kasi dito masusubok how serious are you into this matter. Bakit? simple lang! This is the time you will change all they way you used to being sinlge, kasi nga hindi ka na single, meron ka ng kabiyak, na sa hirap at ginhawa ay sasamahan mo, paglilingkuran mo. Dito darating ang time na kelangan mo igive up ang mga nakasanayan mo. Luho, bisyo, pati leisure and wants mo kakainin nito. Dahil kung meron mang pinakamatinding demand ang pag-aasawa ito ay ang ORAS.
Siguro sa limang pointers o na yan, ni isa wala pa akong naicomply. O sadjang ayoko ko pang iconsider. Yes, i mean no. Hindi pa ako handa na magkaasawa, im not yet matured para seryosohin ang buhay. Financially, maybe im earning more than enough pero hindi ko pa masasabing makakayanan kong pagsabayin ang pangangailangan ng kasalukuyang pamilya ko at kung sakali ng magiging pamilya ko. Ayoko pa muna dagdagan ang responsibilidad ko, mabigat pa. Isa isa lang muna. Hindi pa rin ako ganun kahanda emotionally, dahil sa loob loob ko ayoko pa talaga, wala pang drive, wala pa yung bumubulong na “this is the time”. Lastly, theres more to life i really want to experience. Ang dami ko pang gusto mapuntahan, madiskubre, malaman. I want to be explore more things on my own, i want a well-lived life, no regrets, full of fulfilness before ako magsettle down. After that, sa tingin ko jan ako magiging buo, masasabi ko rin na handa na ako!

So for now, i want to enjoy things. The freedom, the innocence, being careless, being simply happy. Gusto ko muna pagsawaan ang oras ko. ANd when im done, ill be ready, ill be more willing to share everything i have, i learned, everything of me sa taong tatanggap sakin ng buo. And that would start my “happily ever after”.

PS. Hindi ako bitter no, minsan kasi ganito topakin pag single ka. Hahaha. Goodnight & Sweetdreams.

— END —

Kahit Malayo.

23 NOV 2015

Sentimode muna tayo.

“Mahahalin kita kahit akoy malayo
San man ako dalin ng panahon,
Umasa ka saking pangako na

Mamahalin kita kahit akoy malayo
Araw, buwan o taon man ang lumipas,
Pag-ibig ko sayoy hindi magbabago.

Ano man ang dumaan, hindi bibitaw sayo,
Kahit suorin ang mga bagyo
Hindi magpapatalo, hindi susuko

Dahil mamahalin kita kahit akoy malayo
Pag-asa ko ay buong buo,
na balang araw, masisilayan ko
muli ang mga ngiti mo.

Simula ng tayoy nagtagpo
Ikaw na ang nag-may ari ng puso
Simula nung wla ng kasing ganda ang mundo
at simula noon at hanggang ngayon
wala akong ibang gagawin kundi ang
mahalin ka kahit akoy malayo.”

The Longest Ride.

22 NOV 2015

Its Sunday. I always remember sunday as my favorite day of the week. Ramdam ko kasi ang kapayapaan pag linggo. Walang pasok, wlang trapik. Lahat ng tao kung wala sa bahay at nagpapahinga, nasa galaan para magliwaliw. Nakakatuwa lang pagmasdan ang paligi pag linggo na nagagawa ng mga tao ang gusto nilang gawin malayo sa kung ano man responsibilidad na dala ng normal a araw. I always consider sundays are the best part of the week. Magaan ang pakiramdam ko sa araw na to.

Sa barko hindi mawawala ang trabaho, kahit weekend man yan o holiday, 24/7 ang responsibilidad mo. Minsan nakakatamad na, nakakapagod pero eto na ang buhay ng isang marino at nasa sayo na yun kung pano yakapin ang propesyong ito. Tuwing linggo, pag wala naman sa puerto, ugali ko na ipagpaliban ang sarili ko sa pagawa ng extra trabaho. Look out lang sa brdige, konting checklist, hintay ng reliever and thats it, SUnday. Iniiwasan ko ang overload kasi ayoko mastress sa araw na to. Pahinga ko ang sunday kaya hanggat maari marerelax ko ang sarili ko.

Ngayong linggo, niyaya ko ang sarili ko na manood ng isang movie habang sinasamantala ko ang libreng araw na to. Fan ako ng lovestory. Masaya man yan o malungkot ang ending, basta tungkol sa attractions, feelings, emotions, LOVE, jive tayo jan. Ang sarap lang makaalam ng ibat ibang kwento tungkol sa mga taong nababalutan ng hiwaga ng pag-ibig. Yung tipong hindi mo aasahan na bigla kang makakatagpo ng isang tao na biglang bibingwitin ang iyong damdamin, taong magpapabago sayo. Pagtatagpuin ang landas nyo sa hindi inaasahang panahon. Magkakakilala, makakaramdam ng kakaiba sa isat isa at unti unting mahuhulog sa pitag ng pag-ibig.

Pinanood ko angThe_Longest_Ride_poster “The Longest Ride” ni Nicholas Sparks na sobrang ikinagulat ko. Yes! Si Nicholas Sparks. Noon pa man fan na ako ng manunulat n
a to. Sa kanya ko nadiksubre ang ganda ng pag-ibig kahit hindi laging magaganda ang kinahihinatnan sa huli. Natutunan ko sa manunulat na to na ang ganda ng pag-ibig. Kasi naman lahat ng ending ni SParks kung hindi nagkakasakit, nakakalimot, nagkakahiwalat at namamatay. Gayunpaman kahit ang pasaklap lagi ang ending ng nobela nya, nakikitaan mo pa rin kung ano ang pwedeng gawin ng pag-ibig sa isang tao. Hindi importante kung ano ang matitira sa inyo sa huli kung hindi ang naging meron kayo mula umpisa. Ikinagulat ko lang ang “The Longest Ride” dahil sa isang happy ending nito. Sa una pa lang na nalaman ko na kay sparks na naman hango ang kwento, tragic na naman to, hindi na naman happy ending pero mali ako. Ang saya lang sa pakiramdam kung pano na naman binuhay ni Sparks ang pagkahumaling ko sa kwento ng pag-ibig.

Eto ang mainstream ko sa sinusulat ko ngayon. “LOVE REQUIRES SACRIFICE”. Hindi magiging matalinhaga ang pag-ibig kung hindi ito dumaan sa kung ano mang pagsubok. ANg Love ay sadyang ginawa para ipaglaban at ang pagtiisan. Ang tunay na pag-ibig ay pinaghihirapan. Dahil ano mang bagay sa mundo basta nakuha mo sa madaliang paraan, hindi magtatagal. Naniniwala ako para sa isang tao na matutunan ang pag-ibig kailangan nya munang masaktan, mapagod at magsakripisyo. Dahil kayang ibigay sayo lahat ng LOVE, kaya dapat mo malaman kung ano ang kayang mong ibigay sa ngalan ng pag-ibig. At pag natuto ka na, pag nalagpasan mo na lahat ng hamon nito, kelan man hindi ka na mapapagod, hindi ka na makakaramdam ng sakit, wala ka ng kailangan isakripisyo kasi hindi ka na nabuo ka na nito at hindi ka na masisira muli. Kaya pag nag
mahal ka, tuloy lang, laban lang, dahil wala kang talo sa LOVE, mag work out man o hindi, for sure laging may maibigay sayo itong aral na panghahawakan mo sa iyong LONGEST RIDE, at yan ang LIFE.

Goodafternoon and Goodnight.

 

Pag-aasawa daw!

21 NOV 2015

Yeah. Im back, nagiging everyday routine ko na yata ang may maisulat sa diary kong to. Today, as how other days went by, still the same, nothing unusual except the conversation i had with my cadet.

Meron talaga akong disagreement about how my fellow seafarers (the traditional ones) look in the perspective of settling down or having a family early. I remember noong nag-uumpisa pa lang ako magbarko, i got this advice from my co-worker onboard na dapat daw habang maaga magkapamilya na, since seafaring career gives you enough financially, what theres more to worry. Well, at first im kinda feel ok about his statement. Tama nga naman, kung sa swelduhan lang naman eh talagang medjo lamang kami kumpara sa iba, we can be financially ready when it comes to having a family. But as years go by, i cant say that it is still okay anymore.

The very reason na karamihan sa mga marino ay gustong maagang magkapamilya is that they can retire right after na makatapos na yung magiging anak. It sounded to me as going to be dependent. Isa yan sa mga ayokong naririnig na rason kahit hindi seaman, everyone whos planning to have a family. Hindi ko masisi ang Filipino Tradition when it comes to their attachement and Love sa family, but i always think its wrong to depend totally to your child when you get old. Obligasyon ng mga magulang to take care the needs of their child, pero hindi kelan man naging obligasyon ng mga anak ang kanilang magulang. I dont mean na after all papabayaan na natin sila, yes we can help, but it should never become an obligation to thier children, and parent to depend all the way. Get my point? Ang sama ko bang pakinggan? Ang gusto ko lang iimply is that dont plan for a family para lang lately eh may aasahan ka na. So AGE is not a factor for me when it comes to settling down.
Ang sungit ko yata ngayon kaya hindi ko na hahabaan tong sulat ko for today. Minsan mahirap maging mabait when you are against of something. Actually wala naman akong katalo dito, its mind vs thoughts. And i find it healthy sometimes.

Good Day.

Defining Love.

20 Nov 2015

Taglish muna tayo ha para my thrill. what? nag-iinarte ang gwapo. Haha. Before i start, i want to check hows everything going on? Sa trabaho, as usual paulit ulit pero hindi gaanong stressed. Hoping for the possible promotion. Sa health, every other day nakakapagpapawis, jogging, table tennis minsan may push up at seat ups pang nalalaman. Family and friends, quite well, i have updates with them. Medjo nalulungkot lang kasi magpapasko and how i wish to be there spending christmas with them. Best bud ko na pinas nagbabakasyon at hindi kami nag-abot. Financial, actually may ipon naman tayo, and continue to save. Napapaisip lang ako lately about plans of investing. Business is another option. Medjo magulo pa ang planning but for now save lang muna. Eh eto “LOVELIFE”. ———. Pwede bang pass? Oh kaya homework na lang? Hahaha.

Currently, i am single, happy, happy and happy! Hahaha. I am dating again after a year of recovery from a failed 7 year – relationship. Yes it was 7 years. 3 years ko syang niligawan and 4 years kami officially. How was that sounds like? There are certain things in the world that time cant keep. Pag talaga hindi kayo, gano man katagal pinagsamahan nyo, sa huli mawawala rin kung anong meron kayo. But i am over that. I can say that ive moved on. Tagal na rin nun at saka wala na talaga. Confident! Im happy anyways. As of now i am enjoying life without commitment and responsiblities sa babae. Although the door is now open again, i am not taking it rushly. I am taking it slow and be careful this time. What matters now is okay tayo in all aspects dba? But for my writingsake, just let me write in behalf of my status being single to define the ways of love in my own point of view and experiences as well. Ok

Bakit nga ba about sa Love ang hugot ko ngayon? One reason maybe is that nasulat ko nung nakaraan na para maiba pofocus muna tayo sa magagandang pwede nating ishare. Pangalawa napanood ko yung Hopeless Romantic. And to think i was one of them before, relate na relate ako. Siguro parang tinamaan ako at gusto ko ring ilabas ang thoughts ko kung ano ba talaga ang kahulugan ng LOVE. Gaya ng sabi ni Becca (Nadine Lustre), totoo may LOVE.
(Now playing “thinking out loud by Ed Sheeran)

Now lets proceed to defining Love. How people fall inlove in mysterious ways ika nga sa lyrics ng kantang tumutugtog ngayon sa kwarto ko habang hirap na akong papakin ang nutella gamit ang hinliliit ko. Paubos na kasi. Ano nga ba ang LOVE? Bakit lahat hinahanap ito? Ano bang ang pakiramdam ng umiibig? Ano bang hiwaga meron ito at halos ulap na ang abot ng iba pag nakaramdam nito at ikamatay naman ng iba sa oras na nabigo sya nito.

Mahirap idefine ang love. Malalim sa salita. Malawak at maraming sakop. Ayon kay Encarta “LOVE is an intense feeling of positive emotion toward, or enjoyment of, a person or thing, especially strong and romantic.” Agree ako sa adjective ni Encarta. Intense and strong. Intense in a way na parang lahat na ng kinikilos mo pag inlove ka eh OA na. Strong kasi minsan hindi mo na nakokontrol sa sobrang lakas ng epekto nito. Pero disagree naman ako sa salitang positive at enjoyment. Hindi lahat ng naiinlove nagiging positive noh. Hindi lahat nag-eenjoy pag naiinlove. May pagkakataon na yung love pa ang nagiging rason bat napupuno tayo ng kadramahan sa mundo, ng takot, ng kahihiyan, magbabaon sa atin sa kalungkutan. Kaya kung magbibigay man tayo ng meaning sa LOVE, depende yun kung pano mo naexperience ang LOVE. At kung isa ka sa mga nilalang na hindi pa nakaranas ng LOVE, hindi mo sya malalaman hanggat hindi mo nasusubukan. Hanggat hindi ka pa nagiging OA at nawawala sa katinuan, yung parang nawawala ka madalas sa sarili mo kasi parang navirusan ka na ng LOVE, hanggat hindi ka pa nasasaktan, hindi mo magegets kung ano ba talaga ang kahulugan ng salitang LOVE.

OK, oo ako naranasan ko na yan. Pag inlove ka, ang ganda lagi ng gising mo. Excited ka lagi bumangon.Parang nakalutang ka lagi sa inaapakan mo kasi ang gaan gaan ng pakiramdam mo. Pag inlove wala kang mapapansing hindi magaganda sa mundo. Lahat sa paligid mo perpekto. Sikat nga araw, simoy ng hangin, ingay ng mga ibon, ultimo dahon na nahuhulog sa mga puno ikinagagalak mo. Wala ka mang tulog, siksikan man sa jeep, basang basa ka man ng pawis, malate ka man ng pasok, maiwanan mo sa bahay ang charger mo, kahit hindi ka makapag almusal, kahit ang daming nakakabadtrip na nakaantabay sayo, hindi makukuha ang aliwalas ng muka mo, ang ngiti at tawa mo. May sarili kang kuryente na nagsisindi ng Good Vibes sayo. Kitang kita lagi sa mata mo ang sigla, napakanatural ng saya na iyong nadarama.

Totoo masaya ang mainlove pero hindi sa lahat ng pagkakataon eh puros saya lang. Aaminin ko may hindi rin magandang dulot yan. Ganun naman kasi talaga sa mundo, laging may kasalungat ang mga bagay. Minsan pag inlove ka, hindi mo namamalayan sa nauubos ka nito. Nawawalan ka ng pondo para sa sarili mo. Yung parang load mo lang sa cellphone, text ka ng text hanggang sa macheckop ka kahit unli ka kasi sa maling network mo pala nasesend. Pag nabalewala yang nararamdaman mo, useless lahat ng efforts mo. Pagod, oras, pera higit sa lahat may nisisira sayo, tiwala mo. Magkakasakit ka na hindi kayang gamutin ng ano mang gamot sa pharmacy. Hindi mo madadala sa tulog at bukas pagmulat mawawala na. Kahit iuntog mo pa ang ulo mo para magkaamnesia hindi ka pa rin makakalimot. Sobrang masakit pag yung nagbibigay sayo ng dahilan para magmahal eh hindi naiibalik sayo. Hindi nya kayang suklian ng pagpapahalaga kung anong meron ka sa kanya. Masasaktan ka. Mas masakit pa sa kung anong saksak ang gawin sa iyong katawan. Makocoma ka. Hindi ka makakagalaw. Titigil ang sistema mo sabay pagtigil mo din upang harapin ang mundo. Madilim lahat ng oras. Malalanta ka kasi pakiramdam mo hindi ka na nasisinagan ng araw. Mabigat at sobrang hirap tumayo. kung anong saya ang mainlove, doble naman nito pag nasaktan ka.

Kaya para sa akin, ang LOVE, isa yang bagay na hindi mo dapat basta basta pinakakawalan. Bagay na dapat mong pagkaingatan. Sabi nila impossible daw mapigilan, pero hindi, nasa sayo yun kung gugustuhin mo. Lahat tayo may choice. Kung kelan, kung sino at kung paano. Ang love kasi mahiwaga yan, may powers yan na kaya kang paliparin sa kalawakan. Sa una masarap lumipad, hindi mo namamalayan pataas ka ng pataas. Siguraduhin mo lang na pag nasa taas ka na, makakahugpa ka pa at kaya ka nyang saluhin. Ngunit sa oras na hindi ka naman sigurado na sasaluhin ka nga nya talaga, magdahan dahan ka na kasi pag hindi mo alam kung papano mo kontrolin ang mga pakpak nito, babagsak ka sa lupa. Gamitin mo ng tama yung powers na to.

Kaya ang Love para yan sa mga taong malakas, matapang at handa. Para yan sa mga taong sumusubok at nagtitiis, mga taong mapagbigay at hindi madamot. Sa mga open minded at marunong laging umintindi. Dahil ang LOVE laging totoo. Masakit man o masaya, pag naging rason mo ang LOVE, hindi ka magkakamali, lagi kang tama! May maidudulot ka laging tama.
LOVELIFE? Masaya ako kahit papano, not committed, walang girlfriend pero punong puno naman ako ng LOVE galing sa pamilya ko, sa mga tunay kong kaibigan at higit sa lahat, Ang LOVE na hindi mapapantayan ng iba, ang LOVE na hindi mawawala, ang LOVE na laging totoo at tama. Ang LOVE ni GOD.

Goomorning & Goodnight!

PS. Pls see bible verse 1Cor13:4.
— END —